Inilahad ng Montessori De Sagrada Familia, Inc. (MDSF) sa mga magulang at mag-aaral ng ika-11 na baitang ang ‘Strengthened Senior High School Curriculum’, ang bagong kurikulum na gagamitin ngayong panuruang taon 2025-2026 sa naganap na pagpupulong noong ika-4 ng Hulyo, 2025 sa The Chapters, MDSF Social Hall.
Pinangunahan ito ng Officer In Charge for Senior High School Curriculum na si Bb. Rosemarie De Vera at ipinaliwanag niyang mula sa 15 na pangunahing asignatura, magkakaroon na lamang ng limang core subjects ang mga mag-aaral dahil pinagsama-sama na ang mga magkakahalintulad na aralin.
Dagdag pa rito, inilarawan ni Bb. De Vera ang bagong kurikulum bilang “personalized” at “student-centered” dahil sa kalayaan ng mga mag-aaral na pumili ng kanilang electives na magbibigay oportunidad sa kanilang makapag-aral ng kanilang kursunada o kung ano ang nakahanay sa kanilang interes at ninanais na trabaho sa hinaharap.
Ang ilan sa mga electives na pagpipilian ng mga mag-aaral mula sa Academic Track ay Organization & Management, Biology, Entrepreneurship at Creative Industries, habang sa Technical-Professional (TechPro) Track naman ay Bakery Operations, Kitchen Operations, Computer Programming, at Oracle Database.
Isinulat ni:
Amielle Eunice Salas
Kuha ni:
Jashley Megayle Sangil
#strengthenedshscurriculum #SagradanPenpushers #WeMakeSense #theleagueofproficientcommunicators #thesagradan #angsagradan #thelearninghubforcreativityandinnovation #soarhighsagradans #shineat29
