Matikas ang pagbubukas ng kampanya ng Sagradan Spikers Boys matapos nilang ilampaso ang St. Mary’s College of Baliuag, 25-12, 25-6, sa Highschool Volleyball Boys ng Baliwag City Private Schools Association (BaCiPriSA) 2025 na ginanap sa Living Angels Christian Academy (LACA) gymnasium ngayong araw, Oktubre 1, 2025.
Pinangunahan ni Paoul Andrada ang Spikers at nakapagtala ng 9 puntos, kabilang ang apat na attacks, apat na ace at isang dig. Katambal niya rin sina Leinarf Moya at Rendell Cawicaan na umiskor sa magkatumbas na 10 puntos na mula sa kanilang 10 na ace.
Pinaulanan ng MDSF ng ace at attacks ang St. Mary’s College kung kaya’t mabilis nilang naitatag ang lamang sa unang set. Pinagpatuloy nila ito sa pangalawang set kung saan hindi na muling nakabawi ang kanilang katunggali.
Ayon kay Sidney Klein Placido, libero ng Spikers, “Malaking tulong ‘yung naging laro ng buong team, sana maipagpatuloy pa namin ito sa mga susunod pa na laro.”
Nagbunga ang kanilang tiyaga sa training at naiarangkada ng Sagradan Spikers Boys ang record nila na 1-0 at muling maglalaro kontra Living Angels Christian Academy.
✍️| Reuben Ryan Ronas
📸| Micaela Avriel Salinas
#BaCiPriSA2025
#SagradanPenpushers
#WeMakeSense
#BACIPRISA
#baliwagcity
#shineat29
