Bukod sa mga plataporma para sa mga mag-aaral, nagsilbing hamon para sa mga kandidato ng Supreme Student Government (SSG) 2017-2018 kung paano nila maiuugnay ang mga mag-aaral ng Montessori De Sagrada Familia (MDSF) sa nagaganap na kaguluhan sa Marawi City.
Sa naganap na Miting De Avance noong ika-2 ng Agosto, naging tanong ni G. Vhon Joseph C Solomon, isa sa inampalan at tagapayo ng Sagradan Penpushers, kung ano ang kanilang nakalatag na plataporma para maipakitang ang mga taga-Sagrada ay tumutugon sa mga nagaganap na suliranin sa bansa partikular sa nagaganap na kaguluhan sa Marawi City.
Bilang tugon, sa pangunguna ni Joice Severine Z. Gulapa (Grade 11), tumatakbong Pangulo ng LETS Party, sinagot ng kanilang partido na magiging pangunahing prayoridad nila ang mga taong apektado ng nasabing kaguluhan na kung saan hihingan nila ng tulong ang mga mag-aaral na siyang ipamamahagi sa mga taong apektado.
Bagaman isang partido lamang ang tumakbo para sa eleksyon, isinagawa pa rin ang tamang proseso ng botohan noong ika-3 ng Agosto na kung saan kinuha lahat ng mga boto ng mga mag-aaral kasama ang mga mag-aaral ng Senior High School. Bukod kay Gulapa, uupo rin bilang SSG officers para sa Junior at Senior High School sina Jhan Reginald B. Supan (Grade 11) bilang Pangalawang Pangulo; Mai Jewels B. Sagum (Grade 10), Kalihim; Raymart D. Mariano Jr. (Grade 10), Ingat -Yaman; Jherome Brylle Woody A. Santos (Grade 10), Tagasuri; Ma. Carmela G. Sto. Tomas (Grade 10), Tagapagbalita; at Juvy Fey C. San Jose (Grade 10), Tagapamayapa. Bilang mga kinatawan, uupo sa posisyon sina Janelyn Fernando (Grade 12), Ruel S. Simbulan Jr. (Grade 11), Stephen Jason V. Manahan (Grade 10), Julianne M. Perez (Grade 9), Nadine Forsha O. Carpio (Grade 10), at Andrei Luis H. Dela Cruz (Grade 7).
Bukod kay Solomon, umupo hurado ng Miting De Avance sina Gng. Marissa J. Mangahas, Katuwang na Punong-Guro para sa hayskul; Bb. Girlie L. Perdon, tagapayo ng SSG; at Brian Jay M. Delos Santos, Tagapanguna ng Komisyon sa Halalan (Comelec) ng MDSF.
Isinulat ni Juim S. Abanag
Larawang kuha nina Rachelle G. Magsino at Asthana Agee T. Yulo