Isang seminar ang idinaos sa pangunguna ng Baliuag MDRRMO (Municipal Disaster Risk Reduction Management Office), sa gymnasium ng Montessori De Sagrada Familia upang masiguro na ang lahat ng kawani nito ay handa sa panahon ng sakuna, Agosto 24.
Layunin ng FVE (Friendly Volunteers for Emergencies) na imulat ang administrasyon, mga guro, mga guwardiya, at mga tauhan sa bawat departamento sa mga tamang proseso sa paglikas o pagliligtas ng buhay ng mga estudyante sakaling may dumating na sakuna tulad ng sunog at lindol.
Kaligtasan ay mas makakamit sa tulong ng tamang kaalaman sa bawat sakuna.
#LigtasnaKulturasaSagrada