Muling humakot ng parangal ang Sagradan Jr. sa nakaraang EDDIS II Schools Press Conference na ginanap sa Balagtas Central School, Agost 23.
Sampung batang manunulat at dalawang guro ng MDSF ang nagbitbit ng panalo sa naturang patimpalak, kabilang na ang tatlong kampeon sa iba’t ibang kategorya na sinalihan din ng iba pang mga pampubliko at pribadong paaralan sa ikalawang distrito ng Bulacan.
Nasungkit ni Rheeana Ghia Medrano ang unang pwesto sa photojournalism, gayon din sina Ju Hyok Park (feature writing) at Julienne Margareth Roberto (pagwawasto at pag-uulo ng6 balita).
Itinanghal namang ikatlong pinakamahusay sa distrito si Denyza Mae San Jose sa pagsulat ng lathalain.
Sa paligsahan ng mga guro, namayagpag si G. Dan Angelo Bagadiong sa larangan ng sports writing nang makuha niya ang unang puwesto, habang nakamit naman ni G. Julius Fabian ang ikatlong puwesto sa editorial writing.
Tatawid na sa Division Schools Press Conference ang mga nagwagi sa natapos na kompetisyon. Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwaging Sagradan sa EDDIS II Press Conference:
Pupil Category:
Rheeana Ghia D. Medrano – unang puwesto, photojournalism
Ju Hyok G. Park – unang puwesto, feature writing
Julienne Margareth G. Roberto – unang puwesto, pagwawasto at pag-uulo ng balita
Denyza Mae C. San Jose – ikatlong puwesto, pagsulat ng lathalain
Keara Danelle M. Pantalunan – ikaanim na puwesto, feature writing
Denisse Alexlia V. Sevilla – ikawalong puwesto, feature writing
Paul Benedict B. Cano – ika-11 puwesto, science writing
Jemuel C. Cruz – ika-11 puwesto, sports writing
Janina Samantha J. Cunanan – ika-11 puwesto, editorial cartooning
Sophia Mikaela M. Gonzales – ika-13 puwesto, photojournalism
Teacher Category:
Dan Angelo DL. Bagadiong – unang puwesto, sports writing
Julius L. Fabian – ikatlong puwesto, editorial writing
Isinulat Ni: Dan Angelo Bagadiong