Si Marcelo H. Del Pilar ay ipinananganak noong Agosto 30, 1850 sa Sitio Cupang, Barrio San Nicolas, Bulakan, Bulacan, lalawigan ng mga matatapang na bayani ng bansa.
Dahil sa kaniyang husay sa pagsulat, nakilala siya sa kaniyang sagisag-panulat na “Plaridel”. Sa pamamagitan nito, buong tapang niyang tinuligsa ang pamamalakad ng mga Kastila lalo na ng mga prayle sa Pilipinas. Ang ilan sa kaniyang mga likha ay Dasalan at Toksohan, Dupluhan, Kadakilaan ng Dios at La Frailocracia Filipina. Kinikilala rin si del Pilar bilang isa mga dakilang tao ng lahing tagalog.
Katalinuhan
Si Del Pilar ay nakapagtapos ng abogasiya sa University of Santo Tomas (UST) noong 1880. Naging patnugot din siya ng La Solidaridad, pahayagang humihikbi sa mga hinaing ng bayan at nagsusulong ng karapatang politikal.
Kalayaan
Taglay ni Del Pilar ang sapat na tapang at matalas na isipan upang ipagtanggol ang bayan, may puso sa pagsulat ng mga gawang tumutuligsa sa maling pamamalakad ng mga kastila sa Pilipinas at naniniwala sa tunay na halaga ng kalayaan. Ang kalayaan na tinatamasa natin sa kasalukuyan at ipapamana sa mga kabataan ng bayan. Nagtapos ang buhay ni Plaridel dahil sa sakit na tuberculosis noong ika-4 ng Hulyo, 1896. Mabuhay ka tata Celo!
Sanggunian: National Historical Commission of the Philippines
(http://nhcp.gov.ph/museums/marcelo-h-del-pilar-historical-landmark/)
Sinulat ni: Jerald M. Gregorio