Pagpupugay. Pasasalamat. Paghanga.
Hindi maikakaila na sa bawat pagtatagumpay mo, lilingon ka sa pinanggalingan mo. Magpapasalamat sa mga taong naging bahagi ng karangalang natamo. Pero sa bawat pagtatapos, alam mong ito ang simula nang tunay na hamon ng buhay. Ilan lamang sina KC, Alex at Kamiekah, na produkto ng Sagrada na nagkamit ng karangalan sa iba’t ibang larangan.
Alessandra Caranina N. Decapia,
Bachelor of Science in Medical Technology, Magna Cum Laude
Sto. Tomas Scholar
University of Santo Tomas Batch 2017
Isa si Alex sa hinangaan ng karamihan sa angking katalinuhan at kasipagan noong siya ay nasa Sagrada pa. Sa kanyang pagbabalik-tanaw kanyang nawika: “I am genuinely grateful that MDSF has molded me and aided me to spread my wings, soar high to reach my dreams and become the butterfly I was meant to be. All that I am today and all that I will be are all because of the unconditional love and support given to me by this great wonderful institution with it’s great wonderful people.” At kanyang naidagdag mula sa Romans 13:7, “Give honor to whom honor is due.”
Kristine Casandra Sagum
BS Travel Management, Cum Laude
College of Tourism & Hospitality Management
University of Santo Tomas
Hinding-hindi makakalimutan ang isang KC na madalas masilayan at marinig na bumabati at nagbibigay paalala sa high school community tuwing umaga. Isang mahusay na Public Information Officer at mahusay na mag-aaral. Kaniyang nasabi na: “I am grateful to MDSF for molding me and preparing me for college. I know in the future, the school will produce more students that are ready to face college especially in going to the prestigious universities in the country.”
Kamiekah Nakamura
BS in Business Administration double major in
Financial and Operations Management (CBTE Honor’s Program)
Summa Cum Laude (FM & OM) Academic Area Awardee (FM & OM)
Student Area Awardee (Lux Lucis) Class Salutatorian Batch 2017
Sino nga ba ang di makakalimot sa isang simpleng batang palangiti at puno ng sigla sa tuwing makikita mo siya. Isa si Kamiekah sa mga mag-aaral ng MDSF na laging nagkakamit ng karangalan. Palakaibigan at magiliw sa lahat. Sabi nga niya: “MDSF developed me to be an all-rounded individual. I excelled academically because I had a great foundation. Joining organizations and assuming leadership positions weren’t new because I experienced it as early as high school. Most importantly, the values and the principles I learned in MDSF helped me adjust easily in a new environment.”
Tila umugong at umalingawngaw ang kanilang pangalan, pangalan na kaakibat ang karangalang di inaasahan, umasa na paghihirap ay matatapos, pero sa bawat pagtatapos mas marami pang hamon ang haharapin at sa pagtingala, lubos na pasasalamat at papuri sa Dakilang Lumikha.
Hindi maikakailang sila’y tunay na Tatak Sagradan.
Ikaw na nagsisimula palang, mangarap ka at umasa, na sa bawat pagtatapos may bagong simula. Maniwala at magtiwala, tagumpay ay iyong matatamasa.
Isinulat ni: Bb. Roanne Estay