Isang mag-aaral mula sa ika-12 baitang ang nagpataob sa 20 ibang katunggali mula sa iba’t ibang pribadong eskwelahan sa Bulacan sa naganap na Bulacan Private Schools Association (BulPriSA) BulPriSA nitong Setyembre 17 taong kasalukuyan na ginanap sa isang paaralan sa Baliuag, Bulacan.
Ang babaeng ito ay si Nicole Bernadette Ante mula sa Montessori De Sagrada Famila (MDSF) na lumaban sa kategoryang pagsulat ng sanaysay.
Noong nakalipas na taon ay sumali rin siya sa nasabing patimpalak at nakamit niya ang ika-4 na puwesto.
“Hindi ko inaasahan na mananalo ako sa patimpalak na iyon; hindi rin kasi ako nakapag-ensayo ng puspusan at nahirapan din ako sa paksa,” wika ni Ante.
Alinsunod pa sa kaniyang sinabi ang kaniyang inspirasyon ay ang Diyos na nagbiyaya sa kanya ng talento sa pagsulat, ang pamilya niya na walang sawang sumoporta sa kaniyang kakayahan, ang kaniyang tigapayo na si Bb. Roan Estay na nakitaan siya ng potensyal simula pa noong nasa ika-9 na baitang palamang siya, at ang kaniyang mga matatalik na kaibigan na nagdasal at nagtiwala sa kaniya.
Sa mga gustong sumunod sa kaniyang yapak, ang payo lamang ni Ante ay maging maalam sa mga nangyayari sa paligid, matutong magbigay ng sariling opinyon, magtiwala sa sariling opinyon, magtiwala sa sarili, at huwag paghinaan ng loob. Dagdag pa niya na magsulat at magsulat ng mga sanaysay.
Muling sasabak si Ante at si Bb. Estay sa susunod nilang laban sa provincials na gaganapin sa Oktubre.
#BULPRISA2018 #CulturalEvents #GoldMedalistPagsulatngSanaysay #SoarHighSagradans
#SagradansUniteSagradansFight
Ni Oliver SP. Claudio II