“Paglaban nang walang ni isang armas ngunit ang Panginoon ang siyang naging lakas.”
Sa kabila ng kakulangan sa oras at panahon sa paghahanda, nagawa pa ring mamayagpag ni Bb. Roan Estay, guro sa Montessori De Sagrada Familia (MDSF) matapos maiuwi ang gintong medalya sa Spoken Poetry Event (Faculty Level) sa Bulacan Private Schools Association (BulPriSA) na ginanap sa Living Angels Christian Academy, Baliwag, Bulacan, Setyembre 19.
“Sa totoo lang, sa dami ng tine-train ko for PressCon and BulPriSA, wala na ‘kong time para mag-practice or magtanong or i-train ang sarili ko. Pero the night before the event, nag-practice ako sa isip ng mga posibleng itanong,” pahayag ni Estay.
Ayon sa kanya, nang malaman niyang Martial Law ang kanilang paksa, nagulat at nahirapan siya at tangi lang aniyang nasabi niya ay wala siyang maisip tungkol doon dahil hindi sumagi sa kanyang isipan habang nag-eensayo na iyon ang itatanong sa kanilang 10 kalahok sa nasabing paligsahan.
“Sobrang saya kase ‘di ko na in-expect yon dahil yung teacher na nagbibigay tiwala sa kanyang estudyante ay walang tiwala sa kanyang sarili. Sobrang saya ko nung ako ang nanalo at inaalay ko ang panalong ito sa mga estudyante ko,” masayang sabi ni Estay.
Samantala, noong unang nalaman ni Bb. Roan na may ganitong bagong paligsahan ay na-excite daw siya dahil mahilig siyang gumawa ng mga tula pero hindi muna niya ipinagpalagay na siya ang lalaban para dito, at nang walang ibang guro na nagsabing gusto ay ivinolunteer na niya ang kanyang sarili.
“Sobrang nagpapasalamat ako, hindi lang sa mga co-teachers, students, family, and friends ko, kundi maging sa mga ka-church ko rin na talagang minessage ko para ipag-pray ako. Ituloy lang sana nila yung suporta dahil malaking tulong yung may nagpapalakas ng loob mo sa panahong nanghihina ka na,” pagpapasalamat ng makata.
“Kapag gusto mo ang isang bagay at kinahihiligan at ginagawa mo na, ituloy mo lang kase at the end of the day o sa pagtatapos ng journey na ‘yon, alam mong may mapapala ka at may mangyayaring maganda,” dagdag pa ng Gurong Kampeon.
#BULPRISA2018 #CulturalEvents #GoldMedalistSpokenPoetry #SoarHighSagradans
#SagradansUniteSagradansFight
Ni Argy E. Gatdula