“Wala sa bokubularyo ko ang umatras sa anumang hamon.”
Ito ang katagang binitawan ni Hanson Raymundo matapos makamit ang ikaapat na pwesto sa Tula ng Bulacan Private Schools Association (BulPriSA) District 3 Meet na ginanap sa Living Angels Christian Academy, Baliwag, Bulacan, Setyembre 18.
“Ito ay tinanggap ko nang buong puso, dahil nais ko na mapatunayan ang sarili ko at maitayo ko ang bandera ng sagrada,” aniya.
Ayon kay Raymundo, nagsasanay siya nang nagsasanay hanggang sa magamay niya na kung paano ang tamang pagtula.
Bagama’t maraming beses nang lumalaban si Raymundo, masaya pa rin siya sa kanyang ginagawa dahil bukod sa napapatunayan niya ang sarili niya, napapasaya niya rin ang mga taong sumusuporta sa kanya.
“Mahal ko kayo at salamat, yan ang nais kong sabihin sa kanila sapagkat sila ang nagtanim ng kaalaman sa akin,” dagdag pa ni Raymundo.
Naangkop ang naturang tula sa temang “Kabataang nahimbing na nang matagal sa kanilang mga pagkakamali”
#BULPRISA2018 #CulturalEvents #BronzeMedalistTula #SoarHighSagradans
#SagradansUniteSagradansFight
Ni Alson James M. Tagalag