Nasungkit ng isang mag-aaral mula sa ika – 9 na baitang ang ikalawang puwesto nang sumabak sa isang patimpalak sa Bulacan Private Schools Association (BulPriSA), District III Meet, Setyembre 17.
Nagwagi si Shandria Fangon sa paligsahan ng Pagsulat ng Sanaysay na naganap sa Living Angels Christian Academy (LACA) bunga ng kanyang pagsasakripisiyo at dedikasyon.
Nagkaroon ng tutukang pag-eensayo si Fangon at si Bb. Roan Estay, kanyang tagapayo, para sa paghahanda bago ang laban.
Ayon kay Fangon, “Grateful ako dahil nagbunga ang lahat ng effort namin ng coach ko at grateful din ako kay God dahil sa pagtulong at paggabay niya sa akin mula sa aking pagsasanay hanggang ako ay lumalaban.”
“Sobrang saya ko kasi hindi ko inaasahan na mananalo siya kasi gabi na nung sinabi sa akin ng BulPriSA Officer na hindi raw nanalo yung JHS participant. Akala ko talo nga siya hanggang kinabukasan, bigla kong nalaman na 2nd Place pala siya. Yung paghihintay hanggang gabi ay worth it sa huli,” sabi ni Bb. Estay.
Puspusan ang paghahanda ni Fangon at ni Bb. Estay para sa nalalapit nitong panibagong laban.
Sabi ni Bb. Estay, “Ngayon na nalalapit na ang Provincials, mas tututukan ko talaga ang pag-eensayo kay Shandria para yung pagkakataon na ibinigay sa kanya ay hindi masayang, sa halip ay masulit talaga”.
#BULPRISA2018 #CulturalEvents #SilverMedalistSanaysay #SoarHighSagradans
#SagradansUniteSagradansFight
Ni Patrick Jason J. Mejilla