Tagumpay si Kyla Coleen Tadeo matapos makuha ang ikalawang puwesto sa Bulacan Private Schools Association (BulPriSA) 2018 noong nakaraang Septyembre 18 sa laban ng Pagtula.
Nanalo si Tadeo laban sa 14 pang mga manunula sa tulong ng kanyang tagapagsanay na si Bb. Roan I. Estay, mga taga-suporta, at dahil na rin sa kanyang pagsisikap.
“I personally, binawalan ko ‘yung sarili ko and ni Ma’am Roan na uminom ng malamig na tubig, tsaka kumain ng matamis like chocolates, doon kasi sumasakit lalamunan ko. Then, a lot of whole day trainings,” ayon kay Tadeo.
Ayan sa kanyang coach, nagdasal sila at humingi ng tulong sa Panginoon.
“Deep faith kay God, tiwala sa sarili, and confidence.” Dagdag pa ni Coleen.
Nabanggit rin ng kanyang coach na nakailang ulit man si Tadeo hindi pa rin siya pinanghinaan ng loob at sumubok muli hanggang sa nakuha na niya ang tagumpay sa ikalawang pwesto.
Sa kasalukuyan ay masayang ipinagdiriwang ni Tadeo ang kanyang tagumpay at ng mga iba pang lumaban kasama ang buong Montessori De Sagrada Familia (MDSF).
#BULPRISA2018 #CulturalEvents #SilverMedalistTula #SoarHighSagradans #SagradansUniteSagradansFight
Ni Julienne Margareth Roberto