Sa patuloy na pag-unlad at pagbabago, kasama rito ang sariling wikang nakagisnan mo. Kaya ngayong taon, muli na namang ginising ang natutulog na damdamin ng mga Filipino, mga Filipinong nakalimot na nga yata sa sariling wika. Kaya isang paalala sa lahat ang naging tema ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong taon na: “WIKANG KATUTUBO: Tungo sa Isang Bansang Filipino.” Tunghayan ang isang tula na nilikha ng dalawang makatang Sagradan, bilang pagpupugay sa katatapos lamang na pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa paaralan Montessori De Sagrada Familia noong Agosto 29 taong kasalukuyan.
Puso ng Wika
nina Kathleen Rose Pulongbarit at Kate Rica Simbulan
I
Alon ng bandilang sa hangin ay winawagayway
Na sa puso ng bawat Pilipino ay nananalaytay
Wika na sa pagkakaiba ay nagiging tulay
Para sa bayan, para sa wika, tayo ay mabubuhay.
II
Asul na tela, Pulang saya, Dilaw na tala
Sa kilos-awit ay naglayaw ang mga galaw at musika
Umusbong ang pagkamakabayan at pagkamakata
Dama ang alab ng wika na nakatatak na sa ating kaluluwa.
III
Kaningningan sa saliw ng tinig na sinambit ng dila
Sigaw ang pag-ibig sa katutubong wika
Pagkumpas ng mga kamay na simbolo’y paglaya
Sa kadenang iginapos ng wikang banyaga.
IV
Mainit na harapan ng tatlong koponan
Siyang naglapat ng tamis sa ngiti ng Sagradan
Sa bawat linyang ibinato’y nagwagi ang makata
Sa puso ng iniirog na dalaga at sa diwa ng wika.
V
Tayong mga Sagradan, tayong mga kabataan
Paglikuran natin ang Lupang Hinirang
Hindi lamang sa Agosto kundi magpawalang-hanggan
Ating gunitain ang lahing pinagbigkis ng wikang kinagisnan.
Ang nilalaman ng kanilang tula ay mula sa iba’t ibang patimpalak na naganap noong nagdaang linggo. Narito ang mga nagsipagwagi sa iba’t ibang patimpalak.
PAGGUHIT NG LIKHANG-SINING
BAITANG 7 AT 8
IKATLONG PUWESTO: Hannah Grace David (8 – Wisdom)
IKALAWANG PUWESTO: Rain Alzen D. Quiambao (7 – Modesty)
UNANG PUWESTO: Alexandra Louise F. Sanson (8 – Sincerity)
BAITANG 9 AT 10
IKATLONG PUWESTO: Charisse Grazelyn B. Cruz (10 – Love)
IKALAWANG PUWESTO: Gian Somer Q. Montano (9 – Charity)
UNANG PUWESTO: Anne Clarise G. Flores (10 – Humility)
BAITANG 11 AT 12
IKATLONG PUWESTO: Aloy Jonathan Hernandez (11 – Hemingway)
IKALAWANG PUWESTO: Kathleen Rose G. Pulongbarit (12 – Newton)
UNANG PUWESTO: Emelinda P. Cruz (11-Galileo)
TAGISAN NG TALINO
IKATLONG PUWESTO:
- Ehreiz Vizconde
- Sean Audric Uy
- Kate Ashley Teodoro
- Sophia Isabella Ante
- Ju-Hyok Park
- Danielle Claris Galvez
IKALAWANG PUWESTO:
- JR Mariano
- Ronnie Bondoc
- Rica Mae Salaysay
- Samantha Dizon
- Kenzo Deticio
- Alexie Legaspi
UNANG PUWESTO:
- Lanz Hubert Samson
- Alson James Tagalag
- Jian Martin Tenorio
- Allen Kyle Giron
- Anthony Emmanuel Mapoy
- Jeremie P. Galang
SABAYANG PAGBIGKAS BAITANG 7
IKATLONG PUWESTO: HONESTY
IKALAWANG PUWESTO: INTEGRITY
UNANG PUWESTO: MODESTY
MUSIKANTA BAITANG 8
IKATLONG PUWESTO: WISDOM
IKALAWANG PUWESTO: SINCERITY
UNANG PUWESTO: COURTESY
KILOS-AWIT BAITANG 9
IKATLONG PUWESTO: JUSTICE
IKALAWANG PUWESTO: FIDELITY
UNANG PUWESTO: CHARITY
KATUTUBONG SAYAW BAITANG 10
IKATLONG PUWESTO: SIMPLICITY
IKALAWANG PUWESTO: HUMILITY
UNANG PUWESTO: RESILIENCY
PICK-UP LINES BATTLE BAITANG 11
IKATLONG PUWESTO: CAMBRIDGE
IKALAWANG PUWESTO: GALILEO
UNANG PUWESTO: ARCHIMEDES
VIDEO MAKING (Lupang Hinirang) BAITANG 12
IKATLONG PUWESTO: OXFORD
IKALAWANG PUWESTO: WHARTON
UNANG PUWESTO: NEWTON