Hindi naging hadlang ang malakas na pagbuhos ng ulan upang maging matagumpay ang pagbubukas ng ikalawang MFVE Inter-School Basketball Developmental League na nagsimula nitong Sabado na ginanap sa Baliwag Star Arena.
14 na koponan para sa high school ang inaasahang magtatagisan para sa inaasam na tropeo na may kalakip na papremyo para sa kampeon hanggang sa ika-apat na pwesto.
Kabilang sa mga maglalabang koponan ang Montessori De Sagrada Familia (MDSF) , Sto. Niño High School, Living Angels Christian Academy (LACA) , Immaculate Conception School of Baliwag (ICSB) , OLM Institute, St. Joseph School of Baliwag (SJSB), Our Lady of Mt. Carmel College (OLMCC), Mariano Ponce National High School (MPNHS), Baliuag University (BU) , Baliwag Polytechnic College (BTECH), Marian College (MCB), Sulivan High School, Integrated College of Business & Technology (ICBT), at Teodoro Evangelista Memorial High School.
Habang anim na koponan naman ang magtatapat sa elementary level, kabilang dito ang Montessori De Sagrada Familia, Baliwag South Central School (BSCS) , Makinabang Elementary School, Living Angels Christian Academy (LACA), Immaculate Conception School of Baliwag (ICSB), at Baliuag University (BU).
Nagbukas ang nasabing torneo sa isang ceremonial toss na pinangunahan ni Mayor Ferdie Estrella at ng Sports Head ng Sports Developmental Office na si Konsehal Ronaldo “Baldo” Torres at ng mga koponan ng elementary division BU at LACA, na agad sinundan ng laban sa pagitan ng dalawang nasabing koponan.
#SoarhighSagradans #SagradanSportsProgram
Photos by: Sir Boyet Aguila Luna