Silang Humuhubog
nina Kathleen Rose Pulongbarit at Kate Rica Simbulan
I
Umulan o umaraw, walang hamong aatrasan
Bitbit ang pangarap at sakripisyo para sa laban
Pawis at pasakit kailanma’y hindi hadlang
Sa puso ng isang manunulat na Sagradan.
II
Susuungin ang taas ng bundok, maging lalim ng dagat
Makamit lamang ang tagumpay at sa dulo’y umangat
Ilang ulit mang madapa’y tatayo at babangon
Baon ang alab ng apoy sa dedikasyon.
III
Silang manunulat na dati’y nakinig doon sa silya
Ngayo’y nagtuturo at nagpapamana ng galing sa pluma
Ramdam ang pag-ibig sa pamamahayag na unti-unti nilang niyakap
Na nagpatibay sa puso ng mga batang nangarap.
IV
Hindi sumulat para sa papuri at medalya
Kundi para magsilbi sa puso ng mambabasa
Hindi lumaban para sa paligsahan
Kundi para palayain ang hiyaw ng anak-bayan.
V
Salamat sa bumubuo ng Guiguinto Scholar Association
Salamat sa mga tagapagsalita’t huradong nagbigay-aral at inspirasyon
Salamat sa Byline na nagpaigting ng aming pagmamahal sa panulat
Umulan o umaraw, hindi magtatapos ang pangarap.