Nakamit ng isang mag-aaral mula sa ika – 12 baitang ang ika- 5 puwesto nang lumaban ito sa patimpalak sa Bulacan Private School Association (BulPriSA) District III Meet sa isang paaralan sa Baliwag, Bulacan.
Nakamit ni Jana Dela Cruz ang ika-limang karangalan sa paligsahan ng Talumpating Di – handa na ginanap noong ika – 17 ng Setyembre sa Living Angels Christian Academy (LACA) dulot ng kanyang kasipagan at dedikasyong manalo.
Nagkaroon ng puspusang pag-eensayo sina Dela Cruz at ang kanyang tagapayo na si G. Juan Antonio Victoria upang makamit ang pagkapanalo.
Ayon kay Dela Cruz, “Siguro ang lamang ko lang sa kanila ay yung pag – iisip ko na dahil huli ko na ito, enjoy ko lang tapos yung kagustuhan kong mag – iwan ng talupati na magbibigay ng ngiti kasi sobrang puyat na kami.”
“Noong napili akong lumaban , ang naisip ko ay kailangan kong pagbutihan pero ‘wag ko ring kalimutang I – enjoy kasi huling taon ko na,” dagdag pa niya.
“Nakakataba ng puso dahil nakita na nagbunga ang hirap at higit sa lahat, unang beses ito sa 8 taon ko ditto sa Montessori De Sagrada Familia (MDSF) na magkaroon ng mga puwesto ang panlaban sa talumpati” ika naman ng kanyang tagapayo.
Naipakita ng mga Sagradan na kaya ng MDSF na makipagsabayan sa ibang mga paaralan hindi lamang sa Baliuag, pati na rin sa Bulacan.
#BULPRISA2018 #CulturalEvents #GoldMedalistSpokenPoetry #SoarHighSagradans
#SagradansUniteSagradansFight
Ni Andrei Luis H. Dela Cruz