Pagkatapos ng unang buwan ng pagbubukas sa taong pampaaralan 2019-2020, matagumpay na naidaos ang banal na pagbabasbas sa pinakabagong four-storey building sa senior high school department sa Montessori De Sagrada Familia (MDSF), Hulyo 5.
Pinangunahan ni Gng. Maria Cristina Santos-Silamor, Directress at Punong-guro ng MDSF, at Gng. Marissa J. Mangahas, Assistant Principal sa high school, ang ribbon cutting na nagsilbing panimula ng aktibidad.
Pinamahalaan naman ni Rev. Fr. Ventura Galman ang pagbebendisyon ng naturang gusali sa paglilibot ng bawat palapag kasabay ng pagbabasbas sa mga silid nito habang nasa likuran niya ang MDSF staffs na nagsilbing tagahawak ng mga tanglaw na kandila.
Nakiisa sa nasabing Gawain sina Gng. Concepcion B. Santos, Vice President ng MDSF; Gng. Maria Cristina Santos-Silamor, Directress at Principal; Gng. Maria Carmela Santos-Ong, Assistant Principal sa elementary department; Gng. Rowena SJ. Jumaquio, Senior High School Coordinator; at Gng. Jocelle DC. Bautista, Student Well-Being Officer.
“We are very blessed, overwhelmed, and excited for all the experiences that will take place here (new senior high school building),” masayang pahayag ni Santos-Silamor.
Ilan sa mga ipinagmamalaking bahagi ng naturang gusali ang mga pinakabagong opisina at pasilidad tulad ng pinalawak na library, audio-visual room, at mga opisina para sa academic council at faculty.