Pormal nang manunungkulan ang mga bagong halal na kinatawan ng bawat school club ng MDSF matapos ang kanilang panunumpa noong Agosto 4 sa MDSF gym.
Nanumpa ang mga opisyal ng halos 20 school clubs mula elementarya at hayskul, kabilang na ang Supreme Pupil Government at Supreme Student Government, pagkatapos ng First Friday Mass na dinaluhan ng mga tagapangasiwa ng paaralan, guro, at mga estudyante.
Hinimok ni school directress Maria Cristina Silamor ang mga nagwaging kinatawan na ipamuhay at pahalagahan ang paglilingkod sa kapwa. Ang paglilingkod sa kapwa (servant leaderhip) ay isa sa limang pagpapahalagang (values) pinaiiral sa MDSF.
Ni: Dan Angelo Bagadiong