Iniuwi ni Kate Simbulan ang ika-walong pwesto matapos ang ginanap na Spoken Word Poetry ng Bulacan Private Schools Association (BulPriSA) District 3 Meet na ginanap sa Living Angels Christian Academy, Baliwag, Bulacan, Setyembre 18.
Bagama’t may sakit si Simbulan sa mismong araw ng kompetisyon, hindi pa rin niya nagawang sumuko at sa pamamagitan ng kanyang pamilya ay humugot siya ng inspirasyon upang ituloy ang laban.
“Alam po ng lahat ang magandang kasaysayan ng MDSF sa lahat ng laban. Kaya bilang isa pong Sagradan, tinanggap ko po yung hamon na lumaban,” aniya.
Ayon pa kay Simbulan, lumahok siya sa naturang paligsahan upang magamit ang talentong na ibinigay sa kanya ng Panginoon at para patunayan ang kanyang kakayahan.
“Nagpapatulong po ako sa aking coach na si G. Roan Estay at sinanay ang sarili na makapag-isip ng mga konsepto sa loob ng limang minuto lamang. Nagpapatulong din po ako sa pamilya ko at kumuha ng inspirasyon,” dagdag pa ni Simbulan.
#BULPRISA2018 #CulturalEvents #SpokenWordPoetry #SoarHighSagradans #SagradansUniteSagradansFight
Ni Alson James M. Tagalag