Mga batang Sagradan, halina at ating balikan ang mayamang kultura ng ating wika.
Limang daang taon matapos na tayo ay sakupin ng mga banyaga sa sarili nating bansa, isa sa mga naging susi ay ang pagkakabuklod ng mga Pilipino sa isip at salita. Ang wikang Filipino at mga wikang katutubo ang nagsilbing tinig ng masidhing damdamin ng makabayang Pilipino. Ngayong panahon ng pandemya, ang ating sandata ay ang wika ng pagmamahal at pag-asa. Kaya, nararapat lamang na ating ipagdiwang ang Buwan ng Wikang Pambansa!
Bilang pakikiisa sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong taon na may temang “Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino” , ang Montessori de Sagrada Familia (MDSF) ay nagsagawa ng iba’t ibang programa na sinalihan ng mga makabayang Sagradan sa elementarya. Ang mga naturang gawain ay ang mga sumusunod: Pagbigkas ng Tula, Pagsulat ng Tula, Tinig ng Sagradan, Traditional Poster-Making at Digital-Poster Making.
Bilang pangwakas na gawain sa selebrasyon na ito, ginanap ang Culminating Activity noong Agosto 27 kung saan kinilala at binigyang parangal ang mga Sagradan na buong pusong nagpakita ng kanilang pagmamalaki at pagmamahal sa ating wika.
Ang kabuuan ng pagdiriwang ay tunay na naging makabuluhan at nagsilbing daan upang lubos na pahalagahan at mahalin ng mga Sagradan ang Wikang Filipino at Wikang Katutubo.
Narito ang kumpletong talaan ng mga nagwagi sa mga patimpalak sa Buwan ng Wika:
Traditional Poster Making
- Rodney Jaden DJ. Velasco (1-Zircon)
- Eon Hailey Montiel (1-Sardonyx)
- Bien Angelo DR. Buco (2-Ivory)
- Sophia Oleen C. Mendoza (2-Sapphire)
- Aliyah Missy I. Alanis (3- Goshenite)
- Edrianne Chayne Diego (3-Diamond)
- Dodge Jacob M. Taruc (4-Topaz)
- Samantha S. Salas (4-Rosequartz)
- Freedom Louise M. Aguinaldo (5-Chrysoberyl)
- Mhiel Gedrick G. Bulatao (5-Morganite)
- Alvie Chariz C. Viernes (6-Sunstone)
- Pia Ysabelle D. De Guzman (6-Moonstone)
Digital Poster Making
- Mariae Leyhiana I. Lanzuela (4-Topaz)
- Naveen D. Dalisay (4-Topaz)
- Isabella Sophia D. Cruz (5- Chrysoberyl)
- Cassandra Marie L. Rebudiao (5-Chrysoberyl)
- Angela C. Garcia (6-Moonstone)
- Norrey Regan L. Bautista (6-Bloodstone)
Pagbigkas ng Tula
- Hannah Jade L. Buco (1-Zircon)
- Yaelaena Dasha W. de Guzman (2-Jade)
- Jazell Jhigz Roen H. Tuazon (3-Opal)
Pagsulat ng Tula
- Aleena Jasmine F. Gregorio (5-Obsidian)
- Kaitlyn Marissa S. Repking (5-Agate)
- Dinh Mckenzie B. Santos (5 Morganite)
Tinig ng Sagradan (Paligsahan sa Pag-awit ng Orihinal na Musikang Pilipino)
- Neoli Ivana R. Garcia (2-Citrine)
- Alistair Matteo D. Llobrera (2- Jade)
- Sofia Jelique Grace Manuel (2-Jade)
- Jhohanam Camain Duran (2-Spinel)
- Chloe Jaizsen C. Galleto (4-Garnet)
- Simone Anastasia V. Casaje (4-Garnet)
- Elianna Meredith DG. Jimenez (5-Agate)
- Kaitlyn Marissa S. Repking (5-Agate)
- Sean Tyler DJ. Velasco (5-Agate)
- Akiesha Nicole R. Singh (5-Agate)
- Zianne Rose N. Ocampo (6-Moonstone)
Mabuhay ka, Sagradan. Lumipad ka!
*Pindutin ang link na ito para mapanood ang mga bidyo.