Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, nagtagisan ng galing ang mga mag-aaral sa ika-7 at 8 baitang ng Montessori De Sagrada Familia sa paglikha ng poster at paggawa ng slogan.
Sa pangunguna ng Bukluran ng mga Mag-aaral sa Filipino (BUKMAFIL), sinimulan kanina ang nasabing paligsahan upang maibahagi ng bawat estudyante ang kanilang talento sa pamamagitan ng paglikha ng makukulay at makabuluhang obra na may kaugnayan sa tema ng Buwan ng Wikang Pambansa “Filipino:Wikang Mapagbago.”
Samantala ang naturang gawain ay isa sa mga nakahanay na aktibidad ng BUKMAFIL sa pagdiriwang ng Wikang Pambansa.
Ni: Argy E. Gatdula